Share this: Ni NITZ MIRALLES BUKAS, August 2, ang sinabi sa aming bagong schedule ng first shooting day nina Barbie Forteza at Ken Chan ng Regal Entertainment movie nilang This Time I’ll Be Sweeter. Noong June 28 dapat ang first shooting day, pero iniurong dahil inayos at mas pinaganda pa ang script. Si Joel Lamangan ang director ng This Time I’ll Be Sweeter na ayon kay Barbie ay light, rom-com, may konting drama, pero ibang-iba sa hit TV show na Meant To Be. Makakasama nina Barbie at Ken sa pelikula sina Rita Avila, Ara Mina at Al Tantay as their parents, hindi pa lang alam kung sinu-sino sa kanila ang parents ng mga karakter nina Barbie at Ken. Nasa cast bilang ka-love triangle nina Barbie at Ken si Thea Tolentino at kasama rin sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco at Hiro Peralta. Siguradong may mga madadagdag pa sa cast kapag nagsimula na ang shooting. Reunion project nina Barbie at Thea ang This Time I’ll Be Sweeter pagkatapos ng hit TV drama na The Half Sisters at excited n...
Pinoy Tambayan Watch FREE Pinoy TV Show and Filipino channel live streaming. The best Tambayan Replay to watch PBA Live Streaming.