Ni Reggee Bonoan NAALIW ako sa kuwentuhan ng mga masugid na sumusubaybay sa La Luna Sangre lalo na ang fans ni Richard Gutierrez. Passionate sila kung ano ang kahihinatnan ng karakter ni Richard bilang Supremo/Sandrino at kung ano ang gagawin sa kanya nina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo). “Kontrabida nga si Richard, pero sana may redeeming factor sa huli, sana bumalik siya sa pagiging tao. Naghiganti lang naman siya kaya siya naging bampira, di ba? Sana ‘yung gamot na naimbento ni Prof T (Albert Martinez), tumalab kay Sandrino tulad kay Tristan,” narinig kong sabi. Hayan, hindi pabor ang loyalistang supporters ni Richard na patayin siya sa La Luna Sangre. Pero kadalasan sa mga kontrabida ay namamatay, di ba? “Magkapatid naman sina Tristan at Sandrino, di ba?” dagdag pang sabi. “Hindi ba puwedeng buhay sila pareho?” Pero papayag ba naman si Malia na mabuhay si Sandrino/Supremo, eh, ito ang pumatay sa mga magulang niyang sina Lia (Angel Locsin) at Mateo (Joh...
Pinoy Tambayan Watch FREE Pinoy TV Show and Filipino channel live streaming. The best Tambayan Replay to watch PBA Live Streaming.