Ni NITZ MIRALLES NAGPASABOG ng kaseksihan si Lovi Poe sa Amanpulo, sa event ng Omega. Ang dami niyang ipinost na photos na naka-two-piece swimsuit siya, pero ang pinakapanalo ay itong picture na topless siya, kita ang tattoo at may nakaharang sa lower part ng body. Nag-isip ang nakakita ng picture ni Lovi kung may suot ba siyang panty o wala. Umabot na sa 119,524 likes at 1,527 ang comments sa photo nang huli naming bisitahin ang post. Isa sa mga nag-comment ay si Bela Padilla na ang sabi, “HINDI AKO NA-INFORM.” Simple lang ang caption ni Lovi sa photo na “Channeling Brooke Shields in the Blue Lagoon…” Nanghihinayang tuloy ang viewers ng The One That Got Away na hindi nila napapanood si Lovi na naka-two-piece swimsuit. Si Rhian pa lang ang may eksena na rumampang naka-two-piece, kaya ang request ngayon ng fans ni Lovi sa writers at directors ng sexy rom-com series ng GMA-7, bigyan din siya ng eksena na naka-two-piece. Mas maganda kung pagsabayin sila ni Rhian na naka-t...
Pinoy Tambayan Watch FREE Pinoy TV Show and Filipino channel live streaming. The best Tambayan Replay to watch PBA Live Streaming.