Ni REGGEE BONOAN
FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa bulilyasong show nina Arci Muñoz, Ronnie Liang at Daniel Matsunaga sa Paris at Vienna noong Hunyo 24 at 25.
Kuwento ng aming very reliable source, gumamit ng mga pekeng ID ang show producer na si Jefferson Parica na nagsabing miyembro siya ng Sandigan Pinoy Association, pero hindi naman pala kaya ang mga lehitimong miyembro ang nagpalabas ng official statement sa nangyari.
“Nasira kasi ang pangalan nila kaya naglabas sila ng official statement,” sabi sa amin ng source na hindi naman masabi kung kakilala ng grupo si Jeff Parica.
Bukod dito, “Matagal nang expired ang visa ni Jeff kaya posibleng ipa-deport siya kapag nahanap na siya. Kasi as of now hindi siya makita at palipat-lipat pala ng tirahan. May anggulong human trafficking din, iniimbestigahan pa.”
Mukhang nakakita ng katapat ang naturang show producer na dahil sa nabulilyasong show ay maraming kababayang Pinoy ang naapektuhan. Pati lehitimong producers sa Europe ay baka hindi na raw pagkatiwalaan dahil sa nangyari.
“Nagtutulungan naman ang mga Pinoy dito sa Europe, wala lang onsehan. Kapwa mo Pinoy lolokohin mo? Hindi tama ‘yun,” sabi pa ng source.
Susme, nagsimula lang sa hindi tamang accommodation at pagkain kina Arci, Ronnie at Daniel ay marami na ang nabunyag na ginagawang hindi maganda ng producer.
Anyway, bukas ang pahinang ito para kay Jeff Parica o sinuman sa kampo niya.
Related
Source: Balita