Ni NORA CALDERON
NAGPASALAMAT si Marian Rivera na ang kanyang drama-fantasy series na Super Ma’am ang nanguna sa MegaTam (Mega Manila Television Audience Measurement) sa primetime block ng GMA-7.
Kaya sulit daw ang paggawa niya ng stunts at mahihirap na eksena. Inspiration niya ang mga kasama niya sa serye tulad nina Ms. Helen Gamboa at Carmina Villaroel na first time niyang nakasama at nagbibigay ng maraming points sa kanyang pag-arte. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanila gabi-gabi after ng 24 Oras.
Kaya wala siyang sawang sumasama sa pagpu-promote ng kanilang serye every week sa mga mall show sa iba’t ibang lugar ng bansa. Kababalik nga lang nila nina Jerald Napoles at Kristoffer Martin mula sa Puerto Princesa, Palawan ngayong weekend. Dinayo ng maraming tao ang kanilang show sa SM City Puerto Princesa. Willing si Marian na libutin ang buong Pilipinas to promote.
Inspiration din ni Marian ang anak na si Zia at ang katatanggap lamang niyang pagkilala mula sa kanyang Alma Mater, ang La Salle Araneta University. Pinagkalooban siya ng Zeal for Lasallian Excellence in Media Award, ang Gawad Lasallianeta 2017 for the Outstanding Media Communicators in the Philippines.
This week, mapapanood na si Marian sa todong pakikipaglaban niya sa mga tamawo matapos niyang mailigtas ang estudyante niyang si Isay, at sabi niya, ready na siyang tanggapin na maging tamawo slayer na dating ginagawa ni Cedes (Carmina). Iyon daw ipinakita niya simula noong pilot episode ay patikim pa lang kaya at ngayon siya bobongga ng sunud-sunod na action scenes.
Puring-puri ni Direk LA Madredejos ang pagiging professional ni Marian sa lahat ng ginagawa niya.
Related
Source: Balita