Sinulat at mga larawang kuha ni LEANDRO ALBOROTE
NITONG nakaraang Kapaskuhan ay muling nasaksihan sa buong bansa ang iba’t ibang estilo ng Belenismo na umaagaw ng atensiyon ng mga turista at mga residente na dumadayo sa iba’t ibang lugar.
Sa lalawigan ng Tarlac ay kakaiba ang Belenismo, dahil nagtatayo sila ng mga disenyo na bihirang makita subalit higit na sumisimbolo sa Kapaskuhan. Kabilang na rito ang nilikha ng Capas. Makikita sa harap ng munisipyo ng bayan ang isang uri ng windwheel na nagpapahiwatig na patuloy umiikot ang progreso sa ilalim ng administrasyon ni Capas Mayor Reynaldo ‘Reycat’ Catacutan.
Maging sa lungsod ng Tarlac ay bumabandera rin ang Belenismno na umuugnay sa pagsulong ng kabuhayan na ipinatupad ni City Mayor Cristy Angeles sa 76 barangays ng Tarlac. Dahil din sa diwa ng Kapaskuhan ay nagkaloob ang pamahalaang lokal ng P500.00 sa bawat senior citizen na naninirahan sa siyudad.
Marami ang nagsasabi na ang Belenismo ay kaagapay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod dahil sa patnubay ng diwa at kahulugan ng pagsilang ng Mesiyas — ang ating Panginoong Hesukristo.
Sa bayan ng Moncada, Tarlac ay may ipinagmamalaki ring Belenismo na dinayo at patuloy a ring dinarayo ng mga turista at iba pang residente sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Pampanga, Tarlac at iba pang lugar sa Central Luzon.
Hindi rin nagpahuli ang Northern Luzon Command (NOLCOM), Camp Aquino, Tarlac City. May kakaiba ring estilo sa Belenismo na sinuman ang makakakita ay napapahanga sa ganda na bihirang makita sa ating bansa, na inantabayanan ni NOLCOM Chief Lt. General Emmanuel Salamat.
Nakadagdag din sa atraksiyon ang harapan ng mall sa Barangay San Roque, Tarlac City na masasabi ring kahanga-hanga na sumisimbolo sa diwa ng Kapaskuhan.
Related
Source: Balita