Skip to main content

Edgar Allan, pahinga muna sa beki roles

Ni NORA CALDERON

Edgar Allan

Edgar Allan

BAGO dumalo si Edgar Allan (EA) Guzman sa Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), dumaan siya sa simbahan na lagi niyang pinupuntahan para dumalo ni Misa at ipinagdasal niyang sana ay may magandang regalo ang Diyos sa kanya.

Alam na nating tinanghal na Best Supporting Actor si EA sa pagganap niya bilang beki sa Deadma Walking sa katatapos na gabi ng parangal, kaya ngayon ay patuloy pa rin siyang nagpapasasalamat sa Diyos sa pagdinig ng kanyang dasal
Labis din ang pasasalamat niya sa kanyang producer na T-Rex Entertainment, kay Direk Julius Alfonso na gumabay sa kanya sa pagganap niya role bilang si Mark, and he shared the award to Joross Gamboa dahil natulungan din siya nito sa kanyang pagganap, kahit pareho naman silang beki sa story. Nagpasalamat din si EA sa lahat ng mga moviegoers at fans niya na todo-suporta sa pelikula na isa sa top entries ngayon sa MMFF. As of now, may mga naka-schedule pa rin silang block screening for the movie at nangako si EA na dadalo siya.

Pero ayaw na muna ni EA na gumanap ng beki role sa susunod niyang movie. Ayon sa manager niyang si Noel Ferrer, isi-savor muna ni EA ang kanyang napanalunang acting award mula sa todo niyang pagganap bilang beki. Siguro raw after one year, kung may bagong offer na maganda at iba ang story, tatanggapin niya.

Kaya back na muna si EA sa straight roles, tulad sa malapit nang matapos na romantic-comedy series kasama sina Heart Evangelista, Alexander Lee at Goon Woo, na lalaking-lalaki naman siyang in love na in love kay Gia (Heart).

Sa fan page ni EA, nag-post ang kanyang fans ng: “I you haven’t watched MMFF Best Supporting Actor Edgar Allan Guzman yet in “#DeadmaWalking then you are missing out on his funny ang impressive perrormances!”

Muli, congratulations EA!



Source: Balita

Popular posts from this blog

Tech 2017: Biggest fails, scandals and embarrassments

© Provided by IBT US This year brought many tech innovations and products, like the iPhone X, virtual reality headsets and augmented reality on apps. However, the tech industry also saw failures this year. Like all businesses, not all products or ideas succeed. The tech industry saw some of its gadgets fail to take off. Besides product failures, the sector was also plagued by scandals and congressional testimonies. Here are the tech industry’s 2017’s top product flops and scandals: Amazon Key In late October, Amazon announced a new delivery method for Prime members which allows drivers to set packages inside customers’ home . The delivery system works with the Amazon Key In-Home Kit that is set up for $249.99. With the kit, users can select the “in home” option on the app and get their items delivered inside their homes. Prime members can receive alerts and can see the delivery happen in real-time through the app. While the service was pitched to people who are too busy to s...

R. Tiglao Exposed LTO Records Showing Aquino Never Bought or Sold a Porsche

Veteran columnist Rigoberto Tiglao exposed the Land Transportation Office (LTO) records of former President Benigno Aquino III showing that he never bought or sold an expensive Porsche car. The LTO records proved that the former President did not sold his Porsche 911 Carrera car which he claimed he bought for P5 million. The controversial Porsche car of the former President made headlines just months into his presidency but he explained that he bought the luxury car with the proceeds he got when he sold his BMW. Because of the furor from such display of opulence, Pres. Aquino claimed to have sold it six months later for exactly the same price. According to Tiglao during that time he asked through his column the LTO to release the car's deed of sale and registration to prove that it was not a gift from a Chinese-Filipino tycoon as rumored by some individuals critical to the President. The only possible way to discover whether the Porsche luxury was indeed sold was through ...

2 aktres, may silent gap pa rin

ANG pamilya kaya nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang peg nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado? One big happy family sina Ogie at Regine at ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren and her present husband, Michael Furrow. Magkakasundo rin ang mga anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah at Nate na anak nina Ogie at Regine. Nakatira na si Leila sa house nina Ogie at Regine. Sa kaso nina Dennis at Jennylyn, maayos na rin ang samahan ni Jen and her ex-boyfriend, Patrick Garcia and his wife, Nika Martinez. Magkakasundo rin ang tatlong anak nila at ang anak nina Jen at Patrick na si Alex Jazz. Nakaka-good vibes ang lumabas na picture na magkakasama sila. Mukhang naayos na nina Patrick at Jen kung anuman ang naging gusot sa kanila noon. Good influence si Dennis kay Jen na kahit noon pa man ay malaki ang nagawa nito para maayos ang relasyon ni Patrick sa anak nila ni Jen. May panahong ipinagkait ni Jen kay Patrick na makita o makapiling nito si Alex Jazz. Tatay d...