Ni JIMI ESCALA
NAGING trending ang pagkikitang muli ng dating magkasintahang Jericho Rosales at Heart Evangelista sa isang event. Agad namang ipinaliwanag ng bidang actor ng Siargao na hindi naman ‘yun ang unang pagkakataon na muli silang nagkita ng ex-girlfriend niya.“It’s not the first time. Mas maraming beses na kaming nagkita sa mga events at magkasama kami lagi ng asawa ko. So nagkakabungguan kami parati,” sabi ni Echo.
Hindi kaila kay Jericho na muling nanumbalik ang sigla ng mga tagahanga ng love team nila.
“Sa totoo lang, kami ni Kim (Jones, wife niya), nagbabasa kami ng mga comments sa Instagram, tawa kami nang tawi kasi merong mga kung anu-ano na silang istorya na nabuo, di ba? So it was really fun for Kim and I to look at that and watch.”
Nagulat nga raw ang asawa niya sa nababasang reaksiyon ng mga tagahanga nila ni Heart. Kaya ipinaliwanag agad ng actor ang mga nangyari noong sila pa ni Heart ang magka-love team.
“Alam naman niyang love team before kami ni Heart. It was a new concept, hindi naman new concept para sa kanya ‘yun, a deeper understanding on what a love team is,” sabi pa ng isa pinakamagaling na actor sa henerasyon nila.
Walang problema ang asawa niya ang nababasang reaksiyon ng fans. Natatawa nga lang daw ito.
Wala rin namang problema kay Jericho kung sakaling muli silang magkaroon ng project ni Heart.
“I’ve said a long, long time ago, such a long time ago, If the project is right, kahit sino pa ‘yan, maging si Kristine Hermosa man o si Heart Evangelista ang makasama ko or si Cindy Kurleto, eh, okey lang,” napatawang banggit pa ni Echo.
Related
Source: Balita