MASAYANG nag-announce ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 Executive Committee thtrough their spokesperson Noel Ferrer na bumalik nang muli ang mainit na pagtangkilik ng moviegoers sa mga pelikulang kasali sa taunang filmfest.
Nakakatuwa ngang makita na muling bumalik ang mahahabang pila sa mga pelikulang gusto nilang panoorin ng publiko simula noong Pasko.
Ayon kay Noel, kahit wala siyang inilabas na official gross receipt ng first at second day ng festival, na-break nito ang box-office ng 2015 MMFF first and second day. Napansin din na humaba na ang mga pila ng mga taong manonood.
Saksi kami sa dalawang araw naming pagpunta sa mga cinema complex para manood at tingnan kung tulad ng first day ay marami pa ring nanood sa second day.
“The big achievement is bringing back our kababayans to the theaters it took quite some time before we saw this kind of enthusiasm once again from the Filipino viewers,” pahayag ni MMFF Execom Chairman Tim Orbos.
“From the Parade of Stars in Muntinlupa to the post Holiday theater tours, people have flocked to the theaters once more to support the all-Filipino film line up that went through gruelling screening from an esteemed Selection Committee headed by no less than National Artist Bievenido Lumbera.
“Now that we have the audience and the revenue back on track, we are committed to continue making quality productions that would satisfy and anrich our general film audiences.” –Nora Calderon
Related
Source: Balita