Ni Yahoo
AT ang nagwagi para sa best date ay … si nanay.
Mula sa Golden Globes hanggang sa British Academy of Film ang Television Arts Awards, marami na namang naging paboritong A-list couple sa naganap na gabi ng parangal ng Oscars.
Bagamat gustung-gusto ng mga manonoood na makita ang kanilang mga iniidolo, na nagguguwapuhan suot ang black-tie attire, agaw-atensiyon naman ang mga bituin na nagdesisyong i-date sa espesyal na gabi ang kani-kanilang ina.
Ang mga butuin gaya nina Leonardo DiCaprio, Charlize Theron, at Lin-Manuel Miranda ay buong pagmamalaking naging escort ng kanilang mga ina sa paglalakad sa Academy Awards red carpet, na patunay na ang mga ina talaga ang pinakamagandang ka-date o accessory.
Related
Source: Balita