Skip to main content

Arjo, gaganap bilang Rocky Gathercole sa ‘MMK’

Ni REGGEE BONOAN

ANG tigasing si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) ng FPJ’s Ang Probinsyano ay biglang lumambot bilang si Rocky Gathercole, ang tanyag na Pinoy designer ng mga sikat na Hollywood stars tulad nina Paris Hilton, Katy Perry, Lady Gaga, Jennifer Lopez, at maraming iba pa.

Ang kuwento sa likod ng mga disenyo ni Rocky ay isang batang nangarap ng buong pamilya. Isang linggo simula nang ipanganak ay iniwan na siya ng ina at lumaki sa lasenggero at babaerong ama.

ARJO BILANG ROCKY copy

Nang lumaki at matanto ni Rocky ang kanyang tunay na kasarian, nagdesisyon siyang iwan ang ama para hanapin ang ina.

Pero hindi naganap ang inakala niyang masayang pagkikita dahil mas lumalim pa tuloy ang sugat sa kanyang pagkatao.

Itinaboy siya ng ina na ayaw magulo ang bagong pamilya. Namuhay na mag-isa at pagala-gala sa mga kalsada ng Maynila si Rocky.
 
Mapapanood mamayang gabi sa ABS-CBN kung paano niya nakayanang mabuhay na mag-isa at kung ano ang naging tulay para maging sikat siyang designer.

Ito ang ikalawang pagganap ni Arjo bilang bading sa Maalaala Mo Kaya.

Transgender na may karelasyong lalaki na ginawa siyang tagapag-alaga ng mga anak nito sa ibang babae ang unang gay role ni Arjo sa show.

Confident ang aktor sa kanyang seksuwalidad kaya walang problema sa kanya kung gumanap man siya bilang gay sa drama series o pelikula.

“I just enjoyed na lang portraying the role of a gay for two days,” natatandaan naming sabi niya noong unang pagganap niya as gay sa MMK.

Mas lalo siguro siyang nag-enjoy sa pagganap niya sa katauhan ni Rocky Gathercole dahil tungkol ito sa fashion na din niya.

Tinext sana namin si Arjo kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito para alamin sana kung saan siya mas nahirapan sa dalawang MMK gay roles niya, pero bagsak daw sa kama dahil galing ng taping sabi ng nanay niyang si Sylvia Sanchez.

Samantala, marami ang fans na humihiling sa ABS-CBN na sana ay mabigyan ng soap drama sina Arjo, Ibyang at Ria Atayde na magkakasama.

Maraming offers sa mag-iina, pero wala pa silang kongkretong choice. Tiyak na bubulagain na lang nila tayo.



Source: Balita

Popular posts from this blog

Tech 2017: Biggest fails, scandals and embarrassments

© Provided by IBT US This year brought many tech innovations and products, like the iPhone X, virtual reality headsets and augmented reality on apps. However, the tech industry also saw failures this year. Like all businesses, not all products or ideas succeed. The tech industry saw some of its gadgets fail to take off. Besides product failures, the sector was also plagued by scandals and congressional testimonies. Here are the tech industry’s 2017’s top product flops and scandals: Amazon Key In late October, Amazon announced a new delivery method for Prime members which allows drivers to set packages inside customers’ home . The delivery system works with the Amazon Key In-Home Kit that is set up for $249.99. With the kit, users can select the “in home” option on the app and get their items delivered inside their homes. Prime members can receive alerts and can see the delivery happen in real-time through the app. While the service was pitched to people who are too busy to s...

R. Tiglao Exposed LTO Records Showing Aquino Never Bought or Sold a Porsche

Veteran columnist Rigoberto Tiglao exposed the Land Transportation Office (LTO) records of former President Benigno Aquino III showing that he never bought or sold an expensive Porsche car. The LTO records proved that the former President did not sold his Porsche 911 Carrera car which he claimed he bought for P5 million. The controversial Porsche car of the former President made headlines just months into his presidency but he explained that he bought the luxury car with the proceeds he got when he sold his BMW. Because of the furor from such display of opulence, Pres. Aquino claimed to have sold it six months later for exactly the same price. According to Tiglao during that time he asked through his column the LTO to release the car's deed of sale and registration to prove that it was not a gift from a Chinese-Filipino tycoon as rumored by some individuals critical to the President. The only possible way to discover whether the Porsche luxury was indeed sold was through ...

Aktor, iniwan ang ina

PAREHAS may pinagdaanan sina Jericho Rosales at Erich Gonzales noong gawin nila ang “Siargao,” entry sa MMFF. Namatay ang daddy ni Jericho na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na wala na ito. Miss na miss na niya ang kanyang daddy. Nag-break naman sina Erich at Daniel Matsunaga. In a way, nakatulong kina Jericho at Erich ang pagiging abala nila sa shoot ng “Siargao” and somehow, naibsan ang kanilang kalungkutan. A month or so nanatili sila sa Siargao at gandang-ganda sila sa mga lugar na pinag-syutingan nila. Stress-free raw. Hindi na-link sa isa’t-isa sina Jericho at Erich. Taken na kasi si Jericho at happily married kay Kim Jones. Unexpectedly, kay direk Paul Soriano na happily married kay Toni Gonzaga natsismis si Erich. Walang naniwala sa ka-cheapang isyu. Nagamit pa si Toni na kuno’y pinagselosan si Erich. Balitang may non-showbiz guy na nagpapasaya ngayon ng puso ni Erich. Ang ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga ay isang model mula sa Poland ang love of his life ...