Skip to main content

Nagkakaubusan ng tickets

Ni LITO MAÑAGO

WALA nang available na tickets sa box-office ng Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa gaganaping gala night ng first indie film ni Sharon Cuneta na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na official entry ng Sampaybakod Productions para sa 13th Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula sa August 4.

Ang gala at grand premiere ng naturang movie ay magaganap sa Main Theater (Nicanor Abelardo Hall) ng CCP sa Tuesday, August 8, alas-6 ng gabi.

Inaasahan ang pagdalo ng megastar at iba pang mga artistang bahagi ng pelikula sa gala night kaya naman mabilis maubos ang tickets ng pelikulang idinirihe ni Mes de Guzman.

Nasa CCP box-office kami last Saturday para bumili ng FIC Pass para sa 13th edition ng pinakasikat na indie filmfest sa bansa at nang mag-inquire kami ng ticket sa gala ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, sold out na ito.

Katunayan, isang psycho student ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PML) ang pumila para ibili ng ticket ang kanyang mommy dahil gusto raw nitong makita si Shawie in person sa mismong gala night, kaya lang ubos na nga ito.

Isang grupo rin kasi ng fans ni Ate Shawie ang namakyaw ng tickets para sa August 8 screening. Maging ang iba pang screening dates sa CCP, paubos na rin.

Sabik na sabik ang fans ng multi-awarded actress na muli siyang mapanood sa big screen.

Si Sharon ang biggest star sa Cinemalaya this year kaya ini-expect din ng karamihan na mangunguna sa box-office results ang pelikula niya.

Bukod dito, hinuhulaan din ng karamihan na masusungkit ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan ang best actress trophy sa gabi ng parangal sa August 13.



Source: Balita

Popular posts from this blog

Tech 2017: Biggest fails, scandals and embarrassments

© Provided by IBT US This year brought many tech innovations and products, like the iPhone X, virtual reality headsets and augmented reality on apps. However, the tech industry also saw failures this year. Like all businesses, not all products or ideas succeed. The tech industry saw some of its gadgets fail to take off. Besides product failures, the sector was also plagued by scandals and congressional testimonies. Here are the tech industry’s 2017’s top product flops and scandals: Amazon Key In late October, Amazon announced a new delivery method for Prime members which allows drivers to set packages inside customers’ home . The delivery system works with the Amazon Key In-Home Kit that is set up for $249.99. With the kit, users can select the “in home” option on the app and get their items delivered inside their homes. Prime members can receive alerts and can see the delivery happen in real-time through the app. While the service was pitched to people who are too busy to s...

R. Tiglao Exposed LTO Records Showing Aquino Never Bought or Sold a Porsche

Veteran columnist Rigoberto Tiglao exposed the Land Transportation Office (LTO) records of former President Benigno Aquino III showing that he never bought or sold an expensive Porsche car. The LTO records proved that the former President did not sold his Porsche 911 Carrera car which he claimed he bought for P5 million. The controversial Porsche car of the former President made headlines just months into his presidency but he explained that he bought the luxury car with the proceeds he got when he sold his BMW. Because of the furor from such display of opulence, Pres. Aquino claimed to have sold it six months later for exactly the same price. According to Tiglao during that time he asked through his column the LTO to release the car's deed of sale and registration to prove that it was not a gift from a Chinese-Filipino tycoon as rumored by some individuals critical to the President. The only possible way to discover whether the Porsche luxury was indeed sold was through ...

Aktor, iniwan ang ina

PAREHAS may pinagdaanan sina Jericho Rosales at Erich Gonzales noong gawin nila ang “Siargao,” entry sa MMFF. Namatay ang daddy ni Jericho na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na wala na ito. Miss na miss na niya ang kanyang daddy. Nag-break naman sina Erich at Daniel Matsunaga. In a way, nakatulong kina Jericho at Erich ang pagiging abala nila sa shoot ng “Siargao” and somehow, naibsan ang kanilang kalungkutan. A month or so nanatili sila sa Siargao at gandang-ganda sila sa mga lugar na pinag-syutingan nila. Stress-free raw. Hindi na-link sa isa’t-isa sina Jericho at Erich. Taken na kasi si Jericho at happily married kay Kim Jones. Unexpectedly, kay direk Paul Soriano na happily married kay Toni Gonzaga natsismis si Erich. Walang naniwala sa ka-cheapang isyu. Nagamit pa si Toni na kuno’y pinagselosan si Erich. Balitang may non-showbiz guy na nagpapasaya ngayon ng puso ni Erich. Ang ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga ay isang model mula sa Poland ang love of his life ...